Advice on long distance relationships
Question: Do you believe in long distance relationships?
personally depende sa karanasan ng isang tao
mahirap dalhin at panatilihin ang pagtitinginan at pagmamahalan ng isang long distance relationship
kesehodang araw araw kayo nagchachat or video chat or nagtatawagan
kahit pa sabihin nating may full commitment
kung walang INTIMACY
lahat maglalaho na parang isang iglap
marupok ang isang tao
lalo na pag tawag ng laman
mahirap labanan ang tukso
minsan napapalingon sa iba kahit alam nating bawal
if we are mature enough and have grown in wisdom
siguro kaya nating pigilan ang tukso at di gawin ang bawal
pano nga ba naghihiwalay ang mga magkasintahan sa isang long distance relationship
dahil ba bata pa sila
dahil ba wala silang commitment sa isa't isa
o sadyang tinadhana na hinde sila para sa isa't isa
ang pangatlong dahilan ang syang pinakamasakit
lalo na kung binuo mo ang yung mga pangarap na umiikot sa kanya
lalo na kung binigay mo na ang lahat sa kanya
pati sakripisyo
minsan hinihiling pa ng isang tao na mainlove sa isang tao
o hilingin sa Diyos na ung natitipuhan ay yun na ang makakatuluyan
MALI po
dapat sana hilingin natin sa Diyos na yung TUNAY na karapat dapat ang makikilala natin at makatuluyan
hayaan lang natin ang panahon
kung anuman ang nangyari sa isang long distance relationship
hinde kaya dahil hinde sya karapat dapat sa atin
masakit pero dapat tanggapin
matagal pa bago mawala ang sakit
matagal tagal pa bago makalimutan ang mga alaala
but the scar will lasts for a lifetime..
No comments:
Post a Comment