Mahilig sa pangangaso ang isang hari. mayron siyang isang kawal na labis niyang pinagkakatiwalaan. Isang kawal na laging nagsasabing:
"lahat ng plano ng Diyos ay may mabuting kahihinatnan. Siya ay mabuti."
nangaso sa kagubatan ang hari at ang kawal. umatake ang leon at sinuwag ang hari. napatay ng kawal ang leon ngunit naputol ang isang daliri ng hari.
Hari: kung mabuti ang Diyos, di dapat nangyari to! hindi sana nawala ang daliri ko!
Kawal: lahat ng plano ng Diyos ay may kahihinatnan.
nadismaya sa sagot ng kawal kaya siya ay pinaaresto at ikinulong.
mag isang nangaso ang hari at natagpuan siya ng isang tribo. ginawang bihag ang hari at iaalay sa kanilang altar. papatayin na nila sana ang hari ngunit nakita nilang kulang siya ng isang daliri kaya hindi maaaring gawing alay. siya ay pinakawalan.
pagdating sa palasyo, kinausap nya ang kawal na nakakulong at pinalaya.
Hari: tama ka, mabuti ang Diyos. hindi niya ako hinayaang mamatay sa kamay ng mga tribo. isang tanong ko lang, kung mabuti ang Diyos, bakit hinayaan Niya akong ikulong ka?
Kawal: lahat ng plano ng Diyos ay perpekto. kung kasama sana kitang nadakip ng isang tribo, nagsakripisyo sana akong ibuwis ang aking buhay dahil walang parteng kulang sa aking katawan.
*madalas tayong nagrereklamo sa hamon ng buhay. ngunit tandaan natin na lahat ng nangyayari ay may purpose.
No comments:
Post a Comment